EDUKABAGO: Kaunting Core Subjects, Tututukan ang Mas Malalim na Pagkatuto sa Bagong Patakaran sa Paaralan

Ayon kay SHS Coordinator Edward II M. Calising, layunin ng pagbabagong ito na mabawasan ang kalat na competencies at magkakasabay na academic requirements. Sa halip na hatiin ang oras sa maraming asignatura, mas bibigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral para sa mas malalim na talakayan at paglinang ng mahahalagang kasanayan.

Kuha ni: TVL

UNIDAD, Cagwait, Surigao del Sur — Agosto 12, 2026 — Mas kaunting core subjects na nagsimula ng 15 hanngang limang asignatura at mas nakatuong pagkatuto ang pangunahing pagbabago sa pagpapatupad ng Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum, na layong mabawasan ang kalat na competencies at mabigyan ng mas sapat na oras ang mga mag-aaral para sa mahahalagang kasanayan.

Ayon kay Senior High School Coordinator Edward II M. Calising ang mga pagbabagong hatid ng strengthened curriculum, kabilang ang pagbawas sa bilang ng core subjects sa Grade 11. Sa bagong programa, limang pangunahing core subjects na lamang ang itinakda:

• Effective
Communication/Mabisang Komunikasyon
• General Mathematics
• General Science
• Life and Career Skills•
• Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.

Dahil mas kaunti ang core subjects, inaasahang mababawasan din ang sabay-sabay na academic requirements ng mga mag-aaral at sa halip na hatiin ang oras sa maraming asignatura, mas maraming pagkakataon ang learners na pagtuunan ng pansin ang mahahalagang competencies at magkaroon ng mas malalim na talakayan sa bawat aralin.

Kasabay nito, pinalawak din ang pagpipilian ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng dalawang pangunahing track—Academic at Technical-Professional (TechPro).

Maaari ring pumili ng electives mula sa iba’t ibang clusters, na nagbibigay ng mas flexible na pathway batay sa interes at plano ng bawat learner.

Binigyang-diin din sa bagong curriculum ang paghahanda sa aktuwal na buhay— kabilang dito ang Life and Career Skills at mas pinalawak na work immersion para sa TechPro learners, na naglalayong bigyan sila ng praktikal na karanasan na magagamit sa trabaho at iba pang career pathways.

Nananatiling mahalaga ang sapat na guro, learning resources, kagamitan at oportunidad para sa aktuwal na pagsasanay upang maging epektibo ang mga pagbabagong ito.

Ang layunin ng strengthened SHS ay hindi lamang bawasan ang bilang ng asignatura kundi gawing mas makabuluhan, mas malalim at mas angkop sa kinabukasan ng mga mag-aaral ang kanilang dalawang taon sa Senior High School.