ARAL Program Tinutugunan ang Learning Gaps sa Strengthened SHS

Binigyang-diin ni Senior High School Coordinator Edward II M. Calising sa ginanap na Mini Presscon sa Unidad National High School ang mga mahalagang pagbabago at hamon sa ilalim ng Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum

Kuha ni: TVL

UNIDAD, Cagwait, Surigao del Sur — August 12, 2026 — Ang pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program kasabay ng Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum ay maaaring magdulot ng dagdag na hamon sa mga mag-aaral, lalo na sa oras, workload at kakayahang makasabay sa bagong learning requirements.Naging usapan sa Mini Presscon ngayong sa Unidad National High School, ang pagbibigay-diin ng Senior High School Coordinator Edward II M. Calising ang mga posibleng suliraning maaaring maranasan ng mga mag-aaral sa pagsabay ng academic recovery at strengthened curriculum.

Ayon sa mga panuntunan ng Department of Education, kabilang sa ARAL initiatives ang SHS Remediation Program, na nakatuon sa pagtugon sa learning gaps ng mga mag-aaral.Isa sa mga posibleng disadvantages ay ang dagdag na oras para sa remediation dahil sa halip na ilaan ang oras sa regular na requirements, extracurricular activities o pahinga, maaaring kailanganin ng ilang learners na dumalo sa karagdagang learning sessions upang makahabol sa mga kasanayang hindi pa lubusang natutuhan.

Sa halip na dagdag na academic burden, mas magaan ang workload ng mga mag-aaral sa ilalim ng Strengthened SHS Curriculum dahil nabawasan ang ilang learning competencies at subjects at maaaring maging hamon ang pagsabay ng ARAL Program sa bagong sistema, lalo na sa pagtukoy kung sinu-sino ang nangangailangan ng remediation at kung paano ito maisasagawa nang hindi naaantala ang regular na klase.

Ipinagpapatuloy ng DepEd ang monitoring sa ARAL Summer Program at SHS Remediation Program upang masukat ang naging resulta ng mga intervention at nananatiling mahalaga ang maayos na scheduling kahit man nasa punnto na ang sapat na resources upang hindi maging karagdagang pasanin ang academic recovery sa mga mag-aaral.